Tuesday, September 06, 2011

Mga salitang kami laang ang meron.

alapaw - sakay
alid -tuyong dilis
alibadbad - asiwa
alpas - nakawala
amos -dumi sa mukha
ampiyas - ulang napasok sa bahay
angot - mabaho
anlalawa -gagamba
antak- atake ng sakit
apta- maliit na hipon
arak -mayabang
are -ito
arilyos - hikaw
asbad- palo
asbag -kabag
asbok -usok
awas -apaw
babag -away
bahaw- kaning malamig
baklay –sakla
balais - restless
balagwit - pagdadala ng mabibigat ng bagay gamit ang kawayan
balyina - kandila
banas - init
bang aw - asong ulol
balatong - munggos
banglian - buhusan ng mainit na tubig
balingusan- ibabaw ng ilong
balisbisan -gilid ng bahay
bangi - ihaw
bangkulit - asar
bangyaw -malaking langaw
bariles - dram
bargas – masama ang ugali
barik- inom ng alak
basaysay - bahay
bigtal- pilas
bilot - tuta
binangi - inihaw
bithay - salaan ng bigas o mais
botogs - gagamba
bulador - saranggola
bunite – tinapay na bilog parang monay
burabo – makapal na pulbo sa mukha
dag im - maitim na ulap, uulan
dag-is Ire
dinoldol - bibingkang yari sa mais
dulos - pandukal ng damo
galgal - pilyo
galpong - giniling na kape o bigas
garute - palo
gamas - pag-aalis ng damo
gambol - lamog
gapak - sumpong
gulok - itak
guyam – maliit langgam
halyas - tinadtad na puno ng saging
hambo ligo
hantik – malaking langgam
harok - hilik
hawot - tuyo
hibol – topak
himatlugin - antukin
hitad - talandi
hipi - hipan
huntahan - kwentuhan
ilaya - north
ibaba - south
ingli - kilos
kalamonding - kalamansi
kampit - kutsilyo
karibok - kagulo
kawang - hindi nakalapat
kawot - malaking sandok
kitse - tansan
kostal - sako
kumpay - damong inani pakain sa hayop
la aw - malakas na boses pag nag uusap
labangan - kainan ng mga biik
labon - laga
landang - may sinat
laseta - balisong
lawo - tuyong kawayan na ginagamit pandikit
liban -(mabilis) tawid
liban -(malumanay) hindi pumasok, absent
Ligawgaw - kiliti
ligwak - tapon ng likido
lilik karit
lintog - lapnos
liwat - salin
maanta - mabaho
mabagting - matibay
maligalig - iyakin
magkusi - magluto
maghikap - maggala
malaba - madapa
malandas - madulas
mamay - lolo
mautdo - maigsi
mulay - barya
mura - buko
mutaktak - alam
nabayakid - natapilok
nalaba - nadapa
naknak - nana
napangurngor - nadapa una ang nguso
nasanguyan - nasamid
olbo - kulungan ng baboy
pagat - habol
pagaw - malat
pagerper - kalapating mababa ang lipar
palte - palitan
panggang sobra ang pagka-ihaw
pangkal - tamad
panhik - akyat
pandalas - nagmamadali
panumbi - panuntok
papagayo - saranggola
parasko - bote ng kwatro kantos
patikad mabilis na takbo
pika – asar
pikloy – pantal
pinais – lutong binalot sa dahon
piral – pingot sa tenga
pinindot - ginataang bilo-bilo
pingga - gamit na pangbalagwit, made of bamboo
puluhan - hawakan
purunggo - basag na bote
putot - kulelat
sakol - kain nang nakakamay
salwal - short pants
sambalilo - sombrero
sampilong - mahinang sampal
sangkaka - matamis na bao
sanglay - ginataang malagkit
sereno - hamog
siit - malilit na kahoy gamit na pandikit ng apoy
sintores - dalandan
sumbi - suntok
suminsay - dumaan
sumping - head dress
sungaba - subasob
supok - sunog
sura - inis
takid - tisod
talpog - sunog
tambilong - natumba
tampalasan - aksaya
tangkal - kulungan ng manok
tangla - istambay
tapayan - banga ng tubig
tatyaw - batang tandang
tikin – mahabang kahoy na panungkit
tindagan - pantusok ng bar-b-que
tinghar - tihaya
tipay - butones
titisan - ash tray
tubal - maruming damit
tuklap - tanggal ang balat
tuklong - kapilya
tulyasi - malaking kawa
tungko - kalan
ungag - tanga
usbaw - istupido
utay-utay – dahan dahan
wasang - inis

Mamay

Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arogang-aroga pa ng Mamay.
Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot.
Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang
bigla na lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang
nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon naglulupagi sa gabokan
kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.

Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang
gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik
na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala naming kumana
kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan,
lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil
mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at
tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato,
amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad.
Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay "I'm entitled for senior citizen
discount". Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro
hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay. Oops......awat
na.

Monday, September 05, 2011

Kwento ng Batang Pangkal

Ang batang masimor ay laging pasal, maarimuhanan, ang bahaw na kanin ay laging binubungkal, walang kabubusugan,kahit ang ulam ay hawot laang…pero sobra namang pangkal,di ma –ingli at mapuknat sa upuan kapag sinusugo, ang katwiran eh. “Di baling pangkal di naman pagud”.

Minsan isang araw ay nag saing ng tulingan ang KAKA…yun gang ang-ang ang luto at gato na ang tinik…Eh di si pangkal ay naruon at biglang sulpot, sanghor na sanghor ang amoy….aali -aligid .nakasalibuyboy at naka bakay sa grasya….pamaya ay umuwi sa kanila at humipig, ay napasarap ang buog, ang lakas pa ng harok.. Nang ma-reparo ay tapos na ang tanghalian sa mga KAKA…ey di sikamor na ng takbo, doon pa nagdaan sa patuto, pinaldak ang linang ng mamay,dala ang sulyaw at hihingi ng sinaing…

Anla ay naubusan…dumating dine ay mulagang mulaga ang busilig at puro hanggor ang salawal. Ng sabihin ng Kaka na “Ala ey napaingo ang pangkal” ay mimiha –mihang umalis,naka kalpot agad eh , ng madaanan ang bilot ay binanatan ng tadyak ng sutil na bata , ay dagaab na sa tyan eh…are namang bilot ay iririkit na pumatikar at kang kang sa sakit.

Nasiglawan ng mamay, nakahagip ng lanubo at napag-aspike ng garute….ay di palahaw at atugak na ng iyak at nag ngu-ngoyngoy na umuwi(buti at ang nahagip ng mamay ay lanubo.ay kung yung pamupoy na pambakod..ay sya.. may kalalagyan ang apong sutil) Pag dating ng basaysay ay nag sabi sa ina… anla.. ay anugang nang yari ,lalo ng nadali , napingot na ay natangkab pa ..lagitik na eh…muntik ng mag-sungaba .hayan ang napapala ng batang pangkal.

Namutaktakan nyo Ga?

Darius Semaña (Parokya ni Edgar)




Si Darius Gerard Laluna Semaña ay isinilang noon ika 30 ng Hunyo, taong 1973 sa Mataas na Kahoy, Batangas. Sila lang ni Vinci Montaner sa parokya ang ang may bachelor's degree. Myembro si Dar ng Tau Gamma Phi fraternity kasama ang kabandang si Buwi Meneses.

Fender Stratocaster ang karaniwang gamit na gitara ni Dar. Siya ay may-asawa at may anak na lalaki.

Mga nasulat na kanta.

-Batangas Coffee

-Christmas Party

-Family Dinner

-All Right (kasama si Reg Rubio and Ian Tayao)

-The Ordertaker

-Muli

-Eman

-Lolo Bye (para sa anak nya)

Banggaan

Vehicular Accident in Batangas


MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?

LOLO: Ay uwoh! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!

MEDIA: 'Sensya na po sa abala.

LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakin ga aring dyip ay saksakan ng tulin??? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman. Hayown!
Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche.
Pagkakabugnot ng drayber!
Ngalngal e!
MEDIA: Ano raw?

Sumirok na naman.

May sumirok na namang eroplano sa Batangas.

MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.


LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang areh sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!

Kaso ng isang Batangenyo

Isang dukhang binatilyong Batangueno ang nakasaksak ng taga-Maynila sa town plaza nung kapistahan ng kanilang bayan. Sa Maynila ginanap ang hearing. Dahil mahirap lamang si Batangueno, at walang aral, mag-isa na lamang nagpunta sa Maynila. Nagpahatid na lamang sa bus terminal at lumuwas kahit wala siyang alam.

Sa korte:

Judge: "Iyo ngang isalaysay ang tunay na pangyayari:"

Batangueno: "Aba eh, ako ho'y paligor-ligor lamang sa plaza, yan ga namang hong salibuy-buyan nang salibuy-buyan ang mga tao, eh may isang timalog na babangla-bangla ay aking nasangge ng kaunti. Aba'y bigla ho akong nasampiga. Ala, yung dukot ko ho ng aking kampit, bigla kong sinakyod, inabot ko sa tagiliran, inuraol ko ng inuraol, di pangga-aw na ho.

Nagkaribok ngayo n ang mga tao, nangagsikamod ng takbo. Mga damit ho kung saan saan nasang-it, pinutot ko hong maigi, ah kung inabot ko pa uli'y siguradong tilhak sya sa akin."

Pinaulit ng Judge at yun uli ang sinabi, alay suko ang husgado eh di dinismiss na laang ang kaso.

Barilan sa may Tanauan

Media: Ano ho ba ang nangyari?

Mamay: Kami laang naman ho'y nakaungkot dine sa balisbisan ng bahay. Ay maya-maya ho ay bigla na laang na nagdagaaban, tapos nagpalahawan ay di kami naman ho'y nagkaripasan!

Media: Ano daw?

Airplane Crashes in Batangas

Tinanatanong ng reporter ang testigo sa pag crash ng eroplano sa Malapad na Parang, Lobo, Batangas

Media: Manong, paki describe nga ho ng airplane crash.

Mamay: Tinatangla ko laang ang buwig na sabang malapit ko nang tibain ay nasiglawan ko ang usok na pasirok ang dating.

Media: Ano ho ba ang una ninyong nakita?

Mamay: Aba'y una nga'y pasirok, maya-maya'y nagbatirok sumunod ay pairok-irok. Iyunnnn, ay di saka sumalpok tapos ang katapusa'y sumabog!

Media: Ano ho?

Sunday, September 04, 2011

BAGASO Katha ni Elvis Mendoza

Ala sais ng umaga biglang bumaligwas
Nalintikan si Dunyor tinanghali ng pulas
Kung may kaunti pa’y pihadong utas
Sa Mamay na inip na sa kasama pagluwas

Si Dunyor na ito kaya laging namumura
Saksakan ng pangkal kaya naman inaalta
Ang Mamay na bugnutin umantak pa ang rayuma
Hanap ang pang-garute, utoy kumaripas ka!

Maaga pang sinugo na sa kanya’y tumulong
Ang ulbo ng baboy lalagyan ng bubong
Nabagsakan ang paa nakupo’y luoy!
Nang mariparo’y pakloy na pakloy

Paagoy-agoy ang Mamay sadyang hilahod
Nahalabid pa sa puthaw tumama sa lulod
Pagdating sa bahay katal ang tuhod
Nasa balkon si Dunyor, harok ng harok

Nagmungkal ang Mamay sobra ang pasal
Wala namang inabot kahit tutong at bahaw
Hawot na natira di pa tinakluban
Aariin pa ga iyon ay pulapol ng bangyaw

Lumabas sa bunsuran nilimot ang siit
Sa binti ni Dunyor duon inihaplit
Pinadalwahan pa ng malapit sa singit
Pag tinatamaa’y abot ang ngibit

Pusikit na ang araw nang sila’y mag-imikan
Nang umikot ang baso nawala ang tampuhan
Isang boteng kwatro, kalamyas ang pulutan
Pagkatapos magbarek di lalo nagkaintindihan

Hindi magkaige lagi nang pangamit
Pag-uuwi naman sa bayan hiraman ng damit
Nakupo isang araw ang Mamay nag-ngitngit
Hiniram na puruntong pundiyo’y haklit

Ito palang si Dunyor kahapon ng umaga
Nagpunta sa ibayiw magnanakaw ng mangga
Sa pagdadali-dali at baka mahuli siya
Puruntong ng Mamay sumabit sa sanga

Hindi laang mangga ang kanyang pinipitik
Pati pipino sa tubuhan kahit bukikit
Manok na tagalog kanya ding pinapaltik
Sa Mama’y na kibal kanya din ang kabig

Maghapong nagpapagayo niyakyak ang tudling
Takbo sa ginapakan kahit puro uling
Liting sa sako ang ginawang hapin
Itinangad sa yabat sa hapon pupulunin

Kahit tiringka ang araw ay nahada
Litar ng litar wala man laang gura
Paguwi sa hapon agad ay bagna
Landang si Dunyor nagahoy yata

Ika ng matanda baka daw bubukalan
Baka daw lumubog huwag liliguan
Itong si Dunyor di matanong naman
Hindi nagsasabing natibuan ng laywan

Baka ika’y mabaynat pumirme ka sa bahay
Ang bagasong si Dunyor hindi mapulihan
Dala ay posporo pumasok sa suluyan
Akala’y mang-gagagamba tubuhan pala’y sisilaban!

Nang maglatang ang kayakas, si Dunyor kinabahan
Baka apoy ay lumaki’t sa patuto lumiban
Mga dagang tubo patakbo naglabasan
Kasunod si Dunyor parang binanging tulingan

Umuwi si Dunyor madilim na ang langit
Nasa likod ang Mama’y abot-abot ang kurit
Lilingos si Dunyor at tangkang iimik
Nadakot agad ng Mamay patilya’y nabinit
Palahaw si Dunyor, “din na ako uulit!”

Baka naman sa inyo’y may tinatamaan
Na ubod ng pangkal at sadyang tampalasan
O baka naman si Dunyor ay inyong kapangalan
Ang kwento pong ito’y gawa-gawa lamang
Pinagtagni-tagni ng malikot kong isipan